Publiko, muling pinayuhan ng LTFRB na huwag tangkilikin ang mga kolorum

Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa publiko partikular ang mga bibiyahe na iwasan at huwag tangkilikin ang mga kolorum na mga sasakyan.

Sa Kapihan sa Manila Bay, muling ipinaliwanag ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na walang maaasahan na anumang tulong ang pasahero sakaling madisgrasya ang sinasakyan kung wala itong special special permit sa pagbiyahe.

Aniya, hindi masasakop ng insurance ang mga kolorum na sasakyan lalo na ang mga bus kapag ito’y bumiyahe nang wala sa linya.


Sinabi pa ni Guadiz na nasa 1,050 na bus ang pinagkalooban nila ng special permit kung saan hinihikayat niya ang iba na kumuha nito lalo na’t epektibo ang permit hanggang ikalawang linggo ng Abril.

Dagdag pa ng opisyal, isang beses lamang magbabayad ang mga kompanya ng bus ng halagang ₱50.00 kada unit kaya’t wala na silang magiging problema sa pagbiyahe ngayong Semana Santa.

Facebook Comments