Ilang sementeryo sa Maynila, isasara ngayong Semana Santa

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila na sarado sa publiko ang Manila North at South Cemetery ngayong Mahal na Araw.

Sa nasabing abiso, sarado na ngayong araw ang Manila North Cemetery hanggang Linggo ng Pagkabuhay, March 31.

Ang Manila South Cemetery ay isasara naman mamayang alas-12:00 ng tanghali hanggang pagsapit ng Linggo.


Bukas naman ang mga nabanggit na sementeryo sa mga nakatakda o schedule ng libing.

Samantala, nilinaw naman ng lokal na pamahalaan ng Maynila na ang ipatutupad na liquor ban 500 meter mula sa mga simbahang Katoliko at hindi sakop ang iba.

Facebook Comments