Suspension sa pasok ng mga empleyado ng Korte Suprema, pinalawig para bigyang daan ang contact tracing

Pinalawig ng Korte Suprema ang suspension ng pasok ng mga empleyado nito hanggang sa January 8.

Ito ay para ipagpatuloy ang contact tracing matapos na ilang kawani ng hudikatura ang nagpositibo sa COVID-19 bago mag-Bagong Taon.

Mismong ang Supreme Court En Banc na ang nagpalabas ng direktiba para sa pagpapalawig ng work suspension para bigyang-daan ang contact tracing sa ibang mga empleyado na nagkaroon ng close contact sa mga naunang nagpositibo.


Nitong Lunes ay sinuspinde ng Korte Suprema ng tatlong araw ang pasok sa Kataas-taasang Hukuman para bigyang-daan ang pag-disinfect sa lahat ng mga tanggapan ng Supreme Court.

Kasabay nito ang pagpapatuloy ng antigen testing at pagbabakuna sa mga kawani.

Facebook Comments