Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Halos Dumoble

18
Cauayan City, Isabela- Halos dumoble ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela matapos makapagtala ng mga panibagong positibong kaso.

Batay sa pinakahuling datos ng Isabela Provincial Information Office as of January 5, 2022, tumaas sa 85 ang active cases ng probinsya mula sa dating bilang na 49.

Ito’y matapos makapagtala ng 41 na bagong kaso ng COVID-19 ang probinsya.

Nakapagtala rin ang probinsya ng limang (5) bagong gumaling na ngayo’y aabot na sa 58,642 ang total recoveries ng Isabela.

Wala namang naiulat na bagong namatay sa naturang sakit kaya’t nananatili sa 2,074 ang total COVID-19 related deaths ng probinsya.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 60,801 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Facebook Comments