Aabot sa 3.16 million Pilipino ang walang supply ng kuryente matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.
Ayon kay Department of Energy (DOE) Undersecretary William Fuentebella, kabilang sa mga lugar na nawalan ng supply ng kuryente ang Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Bohol at Surigao del Norte.
Ang mga lalawigan naman aniya ng Antique, Iloilo, Cebu, Negros Oriental, Agusan del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao Oriental, Misamis Occidental, at Lanao del Norte ay bahagya lamang nakaranas ng power outage.
Tiniyak naman ni Fuentebella na nagsasagawa na sila assessment katuwang ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para isaayos ang mga nasirang electricity lines.
Facebook Comments