3.3% inflation rate, naitala noong Nobyembre

Tumaas sa 3.3% ang inflation rate nitong Nobyembre.

Mas mataas ito sa 2.5% na naitala noong Oktubre at mas mabilis sa 1.3% inflation rate noong November 2019.

Ito rin ang pinakamataas na inflation rate na naitala sa bansa simula noong April 2019.


Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) National Statistician at Civil-Registrar General Dennis Mapa, pangunahing dahilan ng pag-angat ng inflation ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages.

Bukod dito, tumaas din ang presyo gulay sa 14.6% mula sa -0.5% noong Oktubre.

Samantala, ayon sa economist na si Prof. Astro Del Castillo, ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo ay posibleng resulta ng mga nagdaang bagyo at sa nagpapatuloy na pandemya.

Gayunman, naniniwala siya na muling bababa ang presyo ng mga bilihin kapag nagbalik-normal na ang supply ng pagkain.

“Nakita naman natin yung pag-spike up p pag-increase ng presyo during the past few weeks especially after the typhoon. Tingin natin, temporary lang ‘to, hindi masyadong malaki yung epekto. Magpe-paper off din yan ‘no kasi supply and demand yan e. Eventually once na ma-normalize yung supply, bababa na rin yung presyo,” ang pahayag ni Prof. Del Castillo sa interview ng RMN Manila.

Facebook Comments