3.4-M doses ng COVID-19 vaccines, darating sa Hunyo

Aabot sa 3.4 million doses of COVID-19 vaccines ang inaasahang darating sa bansa sa Hunyo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, one million doses ng Sinovac ang dadating sa June 6, 1.3 million doses ng Pfizer-BioNTech sa June 7 at 900,000 doses ng Pfizer-BioNTech doses sa June 11 at 200,000 Moderna doses sa June 21.

Aniya, ang nakatakdang pagdating ng Moderna vaccine ay ang unang batch sa bansa.


Sa 20 million doses ng Moderna, 13 million doses dito ang binili ng pamahalaan habang ang 7 million doses ay inorder ng pribadong sektor.

Facebook Comments