PDP-Laban National Assembly, hindi sinipot ng mga miyembro ng Senado

311

Hindi sinipot nina Senators Ronald “Bato” Dela Rosa at Koko Pimentel ang national assembly ng kinaanibang Partido Demokratiko Pilipino o PDP-Laban na ginanap ngayon sa Cebu.

Ang presidente naman ng partido na si Senator Manny Pacquiao ay nauna nang naglabas ng memo na nagpapayo sa mga kasapi ng partido na huwag pansinin ang nabanggit na national assembly.


Si Pimentel na dating pangulo ng partido ay nagsabi na siya ay abala sa trabaho sa Senado.

Giit ni Pimentel, dapat trabaho muna bago ang politika.

Idinahilan naman ni Senator Dela Rosa ang pagkakaroon nila ng session ngayon kaya hindi siya nakapunta sa Cebu.

Umaasa rin si Dela Rosa na magkaroon ng pagkakaisa sa loob ng PDP-Laban para makabuo sila ng single ticket sa halalan.



Facebook Comments