3.5 milyong pamilya, napamahagian na ng 2nd tranche ng SAP ayon sa DSWD

Higit 3.5 milyong pamilya na sa bansa ang napamahagian ng tulong pinansiyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay DSWD Sec. Rolando Bautista, kabuuang 24.4 bilyong piso na ang napamahagi ng ahensiya sa maraming pamilya sa bansa.

Kinabibilangan ito ng mga pamilyang nasa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4PS), non-4PS at Waitlisted.


Facebook Comments