Kasambahay, nobyo nito arestado matapos tangayin ang P400K ng amo

VALENZUELA CITY – Nadakip ang isang kasambahay at ang kinakasama nito na pinaghahanap matapos magnakaw ng pera na nagkakalahaga ng P400,000 sa mismong sarili nilang amo.

Sa report ng GMA News, nakuhanan sa CCTV ang pagnanakaw ng magkasintahang Jamaica Buenviaje at Marc Andre Dimacutac kung saan mapapanood umano ang kasambahay na may bitbit na supot.

Una na raw nakita ng among si Josephine Chua ang babae hawak ang umano’y pinaglalagyan ng perang nakuha mula sa vault.


Agad itong nagtungo sa pulisya para magsumbong at humingi ng tulong.

Nang paghahanapin ang dalawa, nakatanggap daw ng mensahe si Chua mula sa nobyo ng kasambahay na nagsabing isasauli na nila ang kinuhang pera.

Ngunit hindi na raw nila buong natanggap ang halaga dahil P345,000 na lang daw ang binalik ng mga ito.

Humingi naman ng tawad ang magkasintahan kay Chua dahil ayaw umano nilang makulong.

Samantala, nagbabala naman ang Valenzuela police na mag-ingat sa mga magnanakaw lalo pa’t panahon ng pandemic.

Facebook Comments