3.5 milyong Pinoy, nastranded dahil sa ipinatupad na community quarantine, batay sa SWS survey

Lumabas sa pag-aaral ng Social Weather Stations na 3.5 milyong Pinoy ang na-stranded dahil sa ipinatupad na community quarantine bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ang nasabing bilang ay 5.1 percent ng 69.5 million Pinoy adults, batay sa 2020 projected population ng bansa.

Pinakamaraming naitalang nastranded ay mga taga-Mindanao na nasa 8 percent o kabuuang 1.3 milyong katao, sinundan ng Visayas na may 5.9 percent, Balance Luzon na may 4.1 percent at Metro Manila na nasa 2.1 percent.


Isinagawa ang SWS survey noong July 3 hanggang 6, 2020 sa pamamagitan ng mobile phone survey sa 1,555 Pinoy adult.

Facebook Comments