Manila, Philippines – Aabot sa 3.77 million pesos na halaga ng mga misdeclared goods ang nasabat ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port makaraan silang magsagawa ng inspeksyon.
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, pitong container na naglalaman ng carrots, mga damit, sapatos at laruan, na ipapadala sana sa ASD Total Package Enterprises, Inc. at Freccia Prime Marketing Co. ang kanilang ininspeksyon.
Idineklara lamang bilang hangers at plastic racks ang mga ito ngunit nang inspeksyunin, dito na tumambad na sakanila ang nga ipinuslit na items.
Sa ngayon, nasampahan na ng kaukulang kaso ang nga consignee at binawian na rin ng Customs accreditation.
Babala ni Lapeña sa mga traders, idineklara ng tama ang kanilang mga items upang di mabawi ang kanilang mga accreditation.