3.8 MILYON NA SCHOLARSHIP ASSISTANCE IPINAMAHAGI NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Ipinamahagi ng pamahalaang panlalawigan ang aabot sa 3.8 million pesos na scholarship assistance para sa mga mag-aaral ng Pangasinan State University Sta. Maria at San Carlos City campuses.

Patuloy na hinihimok ng Pamahalaang panlalawigan ang mga mag-aaral na maging bayani para sa kanilang pamilya at sa pandemyang ating kinakaharap.

Binigyang-diin din sa nasabing programa ang pagkakaroon ng disiplina ngayon na kung saan ang lahat ay nakakaramdam na ng pagod.


Samantala, nauna ng nakatanggap ang mga PSU Scholars mula Alaminos City at Infanta. Nakatakda namang magpamahagi sa PSU BAYAMBANG, Binmaley, Urdaneta, Asingan at Lingayen.

Facebook Comments