3.9 magnitude na lindol naramdaman sa isang bayan sa Davao Oriental

Niyaning ng magnitude 3.9 na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Oriental pasado alas-4:21 kaninang madaling araw, Hulyo 5, 2020.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang episentro ng lindol sa layong 73 kilometro silangang bahagi ng nasabing bayan.

May lalim na 101 kilometro ang pagyanig at tectonic ang pinagmulan.


Wala namang naitalang mga intesity at wala ring aasahang aftershock na dulot ng pagyanig.

Samantala, wala naming naitalang mga nasakatan at mga ari-arian na napinsala dahil sa nangyaring lindol.

Facebook Comments