Posibleng mga pagbabago sa security situation sa Israel, pinaghahandaan na ng Philippine Embassy

Naghahanda na ang Philippine Embassy sa Israel sakaling magkaroon ng pagbabago sa security situation sa nasabing bansa.

Sa harap ito ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Iran at Israel.

Kaugnay nito, nagsimula nang makipagpulong ang Philippine Embassy sa Tel Aviv sa iba pang mga Embahada ng Pilipinas sa Middle East kasama na ang Jordan.


May regular ding ugnayan ang Philippine Embassy sa Israel sa Department of Migrant Workers (DMW) at sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Facebook Comments