Madhya Pradesh, India – Himalang nakaligtas ang tatlong-taon gulang na bata matapos mahulog mula sa balkonaheng may taas na 35 feet sa bahay nito sa Tikamgarh District.
Ayon sa magulang ni Parv Jain, kasamang naglalaro ng paslit ang ilang kaanak nang biglang ma-out of balance at aksidenteng madulas pababa, noong Oktubre 18.
#WATCH Tikamgarh: A child fell from a building on a rickshaw that was passing on road below. Child’s father Ashish Jain says,”He was playing on 2nd floor with family members. He fell from railing after he lost his balance. He was examined at a hospital & is safe”. #MadhyaPradesh pic.twitter.com/3yDOzZmB9y
— ANI (@ANI) October 20, 2019
Batay sa ulat ng ANI News, nasa ikalawang palapag ng bahay ang nasabing balkonahe.
Sa CCTV footage na viral online, makikitang tiyempong dumadaan sa lugar ang walang laman na cycle rickshaw na pinagbagsakan ng musmos.
Kaagad siyang kinuha ng rickshaw driver at mga sibilyang nakasaksi sa makatinding-balahibong insidente.
Isinugod sa pagamutan si Jain at lumabas sa pagsusuri na walang tinamong bali, pasa, o sugat sa katawan ang batang nalaglag.
Laking pasasalamat ng pamilya sa pagsagip ng tsuper na itinuturing nilang bayani at hulog ng hangit.