OFW, Pinatay ng Sariling Mister!

559

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang OFW matapos itong saksakin ng sariling mister sa Sitio Caddag, Brgy. Dipusu, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Mylene Baingan, 30 anyos, OFW, residente ng brgy. San Francisco, Benito Soliven, Isabela.


Sa inisyal na impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), pasado alas 12:00 kaninang tanghali nang madiskubre ng ama ng biktima ang nakahandusay na katawan nito sa kanyang higaan na may saksak sa kanyang leeg.

Nabatid na agad tumakas ang mister nitong suspek na si Melchor Baingan na residente rin ng barangay San Francisco ng nasabing bayan matapos ang pananaksak.

Kasalukuyan naman ang imbestigasyon at follow up operation ng mga otoridad para sa pagkakadakip ng suspek.

Tinitignang motibo ngayon ng pulisya sa naturang pamamaslang ang di pagkakaunawaan ng mag-asawa sa kanilang relasyon.

Facebook Comments

From Advertisers