3 Anyos na Bata, Nalunod sa Irigasyon sa Cabatuan, Isabela!

84

*Cabatuan, Isabela- *Patay ang tatlong taong gulang na bata matapos malunod sa isang irigasyon sa Purok 7, Nueva Era, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Mica Eumague na residente rin ng nasabing barangay.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), bandang alas diyes ng umaga kahapon ay nakipaglaro ang biktima sa mga kapitbahay na bata matapos itong pakainin ng kanyang lola.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Cabatuan na napadpad ang biktima sa irigasyon na may limampung metro ang layo mula sa kanilang bahay at dito na naganap ang pagkalunod nito.

Isinugod pa sa pagamutan ang bata subalit idineklara din itong dead on arrival.

Facebook Comments