Laborer na may Kasong Paglabag sa VAWC, Huli sa Jones, Isabela!

38

*Jones, Isabela- *Nasa kamay na ng PNP Jones, Isabela ang isang lalaki na may kasong kinakaharap matapos isilbi ang madamiento de aresto nito kahapon sa brgy San Vicente, Jones, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, kinilala ang nadakip na si Francisco Dimalanta III, trentay uno anyos, binata, walang asawa at residente rin ng nabanggit na lugar.

Hinuli si Dimalanta III dahil sa kaso nitong 2 counts na Paglabag sa RA 9262 o VAWC sa bisa naman ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 24 Echague, Isabela.

Nasa kustodiya na ng PNP Jones ang suspek at pansamantalang makakalaya kung makakpag piyansa ng halagang dalawampu’t apat na libong piso (24,000.00).

Facebook Comments