3-anyos na bata, patay nang mahulog habang naglalaro sa escalator

869

Nasawi ang isang batang lalaki nang mahulog habang naglalaro kasama ang kanyang mga kapatid sa escalator sa airport ng Charlotte, North Carolina.

Nakuhanan sa CCTV footage ang insidente kung saan mapapanood ang batang kinilalang si Jaiden Cowart kasama ang kanyang kapatid na babae habang nagpapabalik-balik sa escalator at naglalaro.


Ayon sa report, dinala ng kapatid si Jaiden sa taas ng escalator at makalipas ang ilang sandali ay nahulog ito sa taas ng 20ft.

Agad na lumapit ang batang babae para buhatin ang kanyang kapatid hanggang sa mayroong lalaking nakakita at agad na rumisponde.

Mistulang naliligo sa sariling dugo si Jaiden nang maabutan ng awtoridad at isinugod sa ospital kung saan pumanaw ang bata makalipas ang tatlong araw.

Sasampahan naman ng kasong child abuse ang nanay ni Jaiden dahil umano sa kapabayaan nito.

Hindi rin makikita ang prisensya ng naturang nanay sa CCTV footage kuha ilang minuto bago mahulog ang bata.

Ayon sa inang si Jiterria Lightner, 25, inaayos daw niya ang flight pamilya pauwi sa Florida nang mangyari ang insidente.

Facebook Comments

From Advertisers