3 Anyos na Bata sa Santiago City, Natagpuang Palutang-lutang sa Irrigation Canal!

188

*Santiago City, Isabela- *Isang tatlong taong gulang na bata ang natagpuang palutang-lutang sa isang irrigation canal bandang alas nuebe kaninang umaga sa Purok 7, Brgy Rizal, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Ronalyn Mando Braga, tatlong taong gulang at residente ng nabanggit na lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa presinto uno ng PNP Santiago City, noong Oktubre katorse pa umano nawawala ang biktima at kaninang umaga na lamang nakita ng kanyang pamliya.

Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang pagsisiyasat ng kapulisan hinggil sa pagkamatay ni Ronalyn Mando Braga.

Facebook Comments