NILINAW | COMELEC, hindi nagbigay ng special treatment kay Bong Go

Manila, Philippines – Nilinaw ng MalacaƱang na hindi nagbigay ng special treatment ang COMELEC kay Special Assistant to the President Bong Go nang mag-file ito ng Certificate of Candidacy kahapon.

Sa press briefing, sinabi ni Presidential Spokersperson Salvador Panelo na posibleng nagulat lang ang COMELEC sa dami ng mga kasamang supporter ni Go, kabilang na si Pangulong Duterte.

Pagtatanggol pa ni Panelo, apat lang naman talaga ang kasama ni Go kahapon ā€“ si Pangulong Duterte at tatlong cabinet officials ā€“ pero bigla na lang nagsunuran ang iba.


Sa kabila nito, nakatakda pa ring imbestigahan ng COMELEC kung paanong nakapasok sa loob ang mga taga-suporta ni go habang naghahain siya ng kanyang COC.

Facebook Comments