3-anyos, patay nang tamaan ng bala ng baril na nakalagay sa ilalim ng unan

860

PITTSBURGH, Pennsylvania – Patay ang isang 3-anyos na babae nang aksidente itong tamaan ng bala ng baril na nakalagay sa ilaim ng unan.

Sa ulat ng Pittsburgh Post-Gazette, natutulog daw noon ang biktimang si Chassity Clancy sa tabi ni Marlin Pritchard, 52, nang mangyari ang trahedya noong Linggo, Pebrero 9 (USA time).


Itinago raw ni Pritchard and baril sa ilalim ng kanyang unan na bigla na lang daw pumutok sa direksyon ng bata.

Bukod kay Clancy ay may dalawang iba pang batang nakahiga sa tabi nito na hindi pa malinaw kung ano ang kaugnayan sa lalaki.

Kwento ni Pritchard, bigla raw siyang nakarinig ng putok ng baril saka nakita ang isa sa mga batang tumalon at tumakbo papalayo.

Base rin sa kanyang iniwang salaysay, nanatili lang daw sa higaan si Clancy nang mangyari ang pagputok.

Nang kanya raw itong lapitan ay tumambad ang dugo dahil sa tama ng bala sa leeg ng bata.




Pinipilit pa raw niya itong gisingin bago idala sa ospital.

Sa kasamaang-palad, idineklarang patay si Clancy pasado ala-1:30 ng madaling araw sa Allegheny County medical office.

Paliwanag naman ni Pritchard sa awtoridad, itinago raw niya ang baril sa ilalim ng unan dahil marami raw ang nag-aabang sa labas ng kanilang bahay dahil umano sa samu’t saring reklamo laban sa kanya.

Humaharap sa kasong homicide si si Pritchard, at weapons offenses ayon sa report ng pulisya.

Facebook Comments