3 arestado sa iligal na pagsusugal sa Lungsod ng Maynila

Kalaboso ang tatlong lalaki matapos magsagawa ng iligal na pagsusugal at lumabag pa sa ipinapatupad na curfew sa San Andres Bukid sa Lungsod ng Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Gilbert David, Paul John Sarvallon at Danny Santos.

Nabatid na nakatanggap ng sumbong ang Sta. Ana Police Station-6 mula sa isang concerned citizen hinggil sa pagka-kara krus ng tatlo sa gilid ng Crisolita Street na inabot na ng madaling araw.


Agad na nagtungo sa lugar ang mga pulis saka kinorner ang tatlo kaya’t hindi na sila nakatakbo pa.

Nakumpiska sa kanila ang tatlong piso na ginagamit sa sugal at perang pamusta na aabot sa P205. 00.

Aminado ang mga naaresto na nagka-kara krus sila mula hatinggabi hanggang madaling araw para pampalipas oras dahil sa naiinip na daw sila sa loob ng kanilang bahay mula ng ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine dahil sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments