3 Barangay at ilang Purok sa City of Ilagan, Isinailalim sa Localized Lockdown

Cauayan City, Isabela- Inilagay sa ‘localized lockdown’ ang 3 barangay at ilang purok sa 18 barangay ng City of Ilagan sa Isabela dahil sa mga bagong naitalang kaso ng COVID-19.

Kinabibilangan ito ng Barangay Bliss Village, Osmeña, Calamagui 1st.

Ito ay alinsunod sa Executive Order no. 45 na nilagdaan ni Mayor Josemarie Diaz.


Nakasaad sa kautusan ang pagsasailalim sa limang (5) araw na lockdown na nagsimula ngayong alas-8:00 ng gabi hanggang alas-8:00 ng gabi ng September 6, 2021.

Nasa 6.47% naman ang Average Daily Attack Rate mula sa dating 7.44% at ang 2-week growth rate ay 3.67 habang 76.085 sa nakalipas naman na tatlong araw.

Sa pahayag ni Mayor Josemarie Diaz, nasa medium epidemic risk classification ang City of Ilagan dahil sa pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa siyudad.

Nababala naman si Diaz dahil marami pa rin ang suspected cases na umabot sa 100 bagama’t bahagyang bumaba ang bilang ng mga tinamaan ng virus at ang pagkakaroon ng isang kaso ng Delta variant.

Iginiit rin ng alkalde na nakarekober na sa sakit ang naitalang Delta variant case sa siyudad.

Samantala, umabot naman aniya sa 20 barangay ang apektado ngayon ng pagkalat ng virus bagama’t mahirap ang desisyong isailalim sa panibagong lockdown ang mga barangay dahil kailangang balansehin ang usapin sa ekonomiya at pangkalusugan.

Kaugnay nito, tanging mga purok nalang ang isasailalim sa lockdown upang bigyang daan na makapaghanap buhay ang mga residente.

Sa kasalukuyan ay nasa 91 ang active cases sa lungsod ng Ilagan.

Facebook Comments