Benito Soliven, Isabela – Tatlong mga barangay roads ang nabuksan para ikonekta ang mga barangay sa mismong poblacion ng Benito Soliven, Isabela.
Ang mga naturang lugar ay mga barangay ng Ara, Guilingan at Capuseran na dati ay mahirap marating dahil sa kawalan ng maayos na daan.
Ang mga barangay na ito ay ilan sa mga liblib na mga barangay ng Benito Soliven na kung saan ay di gaanong nakikita ang mga proyektong panggobyerno na siyang ginagamit ng mga rebelde na isyu para makapang-hikayat ng mga sasama sa kanila.
Sa panayam ng RMN Cauayan News kay Mayor Roberto Lungan, ang alkalde ng naturang bayan ay kanyang ipinagmalaki na kung dati ay nakikidaan lamang at umiikot ang mga residente sa naturang liblib na lugar sa lungsod ng Cauayan bago makarating sa kabayanan ng Benito Soliven ay ngayon ay direkta na nilang matutumbok ang kanilang bayan sa mas maiking ruta.
Kanya pang sinabi na nagawan na rin nila ng paraan upang ang mga produkto ng kanilang mga kababayan at madaling mailabas at mapakinabangan.
Bagamat hindi pa all-weather road ang nasabing mga daan na nag uugnay sa kanilang poblacion ay laking pasalamat ng mga opisyal at residente ng mga barangay dahil mababawasan na ang kanilang gastusin patungo sa kabisera ng Benito Soliven, Isabela.
Idinagdag pa ni Mayor Lungan na ngayong taon ng 2018 ay maglalaan ng pondo and kanilang pamahalaang bayan upang ipagpatuloy ang pagsasaayos sa mga daan na nag-uugnay sa mga barangay na kanyang nasasakupan.