3 Baril mula sa Teroristang NPA, Narekober sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Narekober ng kasundaluhan ng 502nd Infantry Brigade sa ang tatlong kalibre ng mga baril na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng mga miyembro ng Regional Sentro de Grabidad Komiteng Rehiyong-Cagayan Valley (RSDG, KRCV) sa San Mariano, Isabela nitong nagdaang huwebes, May 28.

Kinabibilangan ng (1) M16A1, isang (1) 45 Pistol at isang (1) 9mm pistol.

Ayon sa ulat ni Brigadier General Laurence E Mina, Commander ng 502IBde, narekober ang mga nasabing baril dahil sa pinaigting na kooperasyon ng mga sibilyan sa lugar.


Sa kabila ng pagkarekober sa mga baril, pinuri naman ni MGen. Pablo M Lorenzo AFP, Commander ng 5ID, ang kanyang kasundaluhan kabilang ang mga sibilyan sa pakikipagtulungan at pakikiisa nila na nagresulta sa matagumpay na operasyon upang tapusin ang insurhensiya sa Rehiyon ng Cagayan Valley.

Muli naman nitong ipinaalala sa publiko na kung sinuman ang makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga matataas na pinuno ng rebeldeng grupo ay makatatanggap ng pabuya mula sa pamahalaan.

Ito ay sa kabila ng utos ni Pangulong Duterte na magbibigay ng P2 milyon.

Binansagan naman na utak ng nagaganap na terorismo sa Cagayan Valley at Cordillera ang tumatayong lider na sina EVANGELYN RAPANUT @Chat/Marsha (Secretary ng KR-CV) sa Rehiyon ng Cagayan Valley, at sina SIMON NAOGSAN SR @ Filiw (Secretary ng ICRC) kasama si JACINTO FARODEN @ Digbay na may patung sa ulo na Php5,200,000.00.

Maliban dito, pinapaabot din ni MGen Lorenzo ang kanyang mensahe sa mga kasapi ng komunistang grupo na magbalik-loob at huwag nang hayaang mawasak o masira ng maling idelolohiya ang kanilang buhay.

Facebook Comments