3 barkong pandigma ng Pilipinas at Estados Unidos, dumaong sa Palawan para sa Amphibious Assault Exercise

Nasa Joint Area of Operations ng Western Command ang tatlong barkong pandigma ng Pilipinas at Estados Unidos para sa Amphibious Assault Exercise na bahagi ng 38th Balikatan Military Exercise.

Kalahok sa drill ang BRP Jose Rizal (FF150), isa sa mga pinaka-bagong barko ng Philippine Navy, at BRP Tarlac (LD601), kasama ang United States Vessel USS Makin Island (LHD8).

Ang mga barkong pandigma ay nasa Brooke’s Point, Palawan para sa isasagawang amphibious raid.


Ang Balikatan Exercise 2023 ang pinakamalaking sabayang pagsasanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US military sa kasaysasyan na nagsimula noong Abril 11 at tatagal hanggang Abril 28.

Facebook Comments