Health Promotion Bureau ng DOH para sa taong 2023, ilulunsad ngayong araw

Nakatakdang ilunsad ngayong araw ang Health Promotion Bureau ng Department of Health (DOH) para sa taong 2023.

Sinimulan kaninang alas-8 ng umaga ang programa sa Quezon City Memorial Circle at magtatagal hanggang alas-5 ng mamayang hapon.

Ayon kay RHYS Ybiernas ng DOH, napakaraming dumalo sa naturang programa kung saan layon ng Pista ng Kalusugan ngayong taon na mabigyan ng sapat na kaalaman ang publiko tungo sa isang malusog na bansa.


Inaasahan aniya na libu-libong tao ang dadalo sa naturang aktibidad kung saan may iniaalok na serbisyong medikal maliban pa sa mga talakayan na may kinalaman sa kalusugan ng mga Pilipino.

Kabilang sa serbisyong medikal ang libreng HIV testing, breast cancer, screening, cervical at TB screening.

Inaasahan ding dadaluhan ng mga ilang senador, mga alkalde ng iba’t ibang lungsod sa Metro Manila at ilang opisyal ng DOH.

Facebook Comments