3 Bata na Nalunod sa Solana, Cagayan, Narekober na

36

Cauayan City, Isabela- Patay na nang matagpuan ang tatlong batang nalunod sa ilog sa bayan ng Solana, Cagayan noong Martes, Hunyo 29, 2021.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Solana, nagkayayaan ang apat na umano’y magpipinsan na pumunta sa ilog sa bahagi ng Brgy. Natapian East para maligo.


Sumakay umano ang magpipinsan sa bangkang kahoy, pero habang nagsasagwan sa kalagitnaan ng ilog ay biglang tumaob ito.

Nakaligtas ang isang batang lalaki, habang tinangay ng tubig ang tatlo niyang kasama na pawang mga babae.

Miyerkules ng hapon nang unang marekober ang siyam at labing isang taong gulang na mga biktima.

Sa patuloy naman na search and retrieval operation ng Philippine Coast Guard sa isa pang nawawalang bata ay narekober din ng mga ito ang kanyang bangkay na nagpalutang-lutang din sa bahagi ng nasabing ilog.



Ayon sa mga magulang ng mga batang biktima, hindi umano nila alam ang pagpunta sa ilog ang kanilang mga anak.

Facebook Comments