Award-winning actress, lilipat na raw ng network?

Usap-usapan ngayon ng mga netizens na si Bea Alonzo na ang tinutukoy na award-winning actress na magiging Kapuso.

Kaugnay ito ng post na ibinahagi ng GMA Network na “One of the biggest artists in the Philippine showbiz will be a Kapuso” kung saan naka-highlight dito ang “Be A” at teaser ng black-and-white na kaliwang mata na ani ng netizens, may pagkakahawig sa aktres.

Ayon sa network, opisyal na magiging Kapuso ang aktres ngayong araw ngunit hindi pa rin natutukoy kung sino ang artist.


Wish naman ng fans ni Bea, kung ang kanilang idolo nga ang bagong Kapuso artist ay sana magkaroon sila ng proyekto ni John Lloyd Cruz na kamakailan lamang lumipat ng network.

Facebook Comments