3 Bayan sa Apayao, Naikategorya sa Epidemic ‘High Risk’ Level

Cauayan City, Isabela- Naikategorya sa ‘high risk’ epidemic risk level ang tatlong bayan sa lalawigan ng Apayao batay sa datos ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU).

Batay sa PHO dashboard, may 13,288 population ang bayan ng Calanasan; 27,465 ang bayan ng Conner at 18,335 ang bayan naman ng Flora kung saan hindi bababa sa 3.38 ang daily average attack rate sa COVID-19 kung kaya’t kabilang ang tatlong bayan sa ‘high risk’ status.

Base sa latest data release as of February 4, nasa 21 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya habang 140 ang naitalang nakarekober at dalawa ang naiulat na namatay may kaugnayan sa virus mula sa bayan ng Calanasan at Conner.


Samantala, ginawa na ring quarantine facility ang ilang eco-tourism cottages at sports complex sa probinsya dahil sa biglaang pagtaas ng kaso ng tinatamaan ng virus.

Mayroong 25 rooms at 85 bed-capacity ang naturang mga cottages na maidadagdag sa bilang ng mga pasilidad na ginagamit ng mga pasyente.

Facebook Comments