Kabilang rito ang mga bayan ng Sta. Teresita, Sanchez Mira at Alcala.
Unang nagsagawa ng blood collection sa mga alagang baboy ang mga tauhan ng PVET dahil sa nakitaan ng sintomas ng virus ang ilang alagang baboy ng mga hog raisers.
Matapos sumailalim sa pagsusuri ang nakuhang blood sample, lumabas na positibo sa ASF at agad na isinailalim sa culling o pagpatay ang 20 alagang baboy mula sa slaughterhouse ng Sta. Teresita na pagmamay ari ng walong hog raisers.
Sa kasalukuyan, pansamantala namang isinara ang slaughterhouse sa loob ng dalawang linggo habang nagsasagawa ng environmental swabbing upang matiyak na wala ng virus sa lugar na posibleng makapanghawa ng ilan pang mga alagang baboy.
Bukod dito, sampung baboy naman ang na-culled sa bayan ng Alcala habang ang ilang baboy sa Sanchez Mira ay nagkamatay matapos tamaan ng ASF.
Mahigpit ang ginagawang koordinasyon ng PVET sa mga kalapit na bayan upang makontrol ang pagkalat ng sakit na ASF.
Matatandaang buwan ng Nobyembre at Disyembre 2021 nang maitala ang kaso ng ASF sa pitong (7) bayan ng Cagayan.
Bagama’t apektado ang maraming hog raisers dahil sa ASF ay patuloy naman ang pamamahagi ng tulong pinansyal ng Provincial Government.