Tatlong bayan na sa lalawigan ng Benguet ang patuloy na nasusunog dulot ng tinatawag na forest fire.
Sa report na nakarating sa Bureau of Fire Protection (BFP), ang mga bulubundukin ng bayan ng Gasal, Lubo at Kibungan ang patuloy na nasusunog mula pa noong araw ng Sabado.
Sa report na ipinadala ni Fire Officer 1 Charleston Pasigun ng Kibungan Fire Station, nagsimula ang sunog sa isang bundok sa kanilang bayan at kumalat ito sa mga karatig kabundukan.
Nagpapatuloy umano ang kanilang pag-apula sa nasusunog na kabundukan habang isinasagawa rin ang imbestigasyon ng sanhi ng sunog.
Dahil sa nagpapatuloy na sunog, isinara na sa publiko ang Akki Trail na isa sa pinakatanyag na daanan patungo sa summit ng Mount Pulag sa Kabayan, Benguet.
Ayon sa Mt. Pulag Park Management, ito ay dahil sa sunog sa Sitio Abucot at Sitio Tinuping sa Barangay Eddet na nag umpisa kahapon ng umaga.