3 bayan sa North Cotabato isinailalim Under State of Calamity dahil sa Lindol

Labis na naapektohan ng naganap na lindol noong gabi ng October 16 ang mga bayan ng Makilala, Tulunan, Mlang at Kidapawan City sa North Cotabato.
Ayon kay North Cotabato PDRRM Officer Mercy Foronda, nangunguna sa may pinakamaraming bahay na nasira ang bayan ng Makilala sa bilang na 2, 792 na partilally damage at 359 naman ang totally damaged.
Sumampa na rin sa 3 ang bilang ng mga nasawi sa lalawigan kasunod ng lindol dahil sa cardiac arrest.
Ang mga namatay sa mula sa bayan ng ALamada, Makilala at Mlang.
Sinabi pa ni Foronda na may mga isturktura na sa North Cotabato na idineklarang unfit for occupancy.
Ilan lamang dito ang gusali ng Sangguniang bayan ng Mlang, Emergency Operation Center ng Makilala.
Noon pang araw ng Sabado ay nagpaabot na ng ayuda ang provincial government sa mga residenteng naapektohan ng 6.3 magnitude na lindol
Sinabi i pa ni Foronda na binigyan ng food packs ang mga pamilyang naapektohan.
Kumikilos din naman anya ang mga lokal na pamahalaan at kung may mga lugar silang hindi pa napupuntahan ay yon naman ang pinupuntahan ng provincial government upang mabigyan ng ayuda.
Ayon pa kay Foronda, higit sa pagkain, ang kailangan ngayon ng mga naapektohan ng lindol ay construction materials upang muling magawa ang mga nasira nilang tahanan.
Sinailalim na rin Under State of Calamity ang mga bayan ng Makilala, Mlang at Tulunan.
CCTO PIC

Facebook Comments