3-bilyong pambili ng palay sa 2020 budget, hindi inalis ng Senado

Mariing pinabulaanan ni Committee on Agriculture Chairperson Senator Cynthia Villar ang paratang ni Albay Congressman Joey Salceda na binawasan ng 3-billion-pesos ang pondong pantulong sa mga magsasaka ng palay sa susunod na taon.

 

Paliwanag ni Senator Villar, hindi inalis kundi inilipat ang nila ang pondo mula sa National Food Authority kung saan iyon unang ipinasok ng mga konggresista at ginawang pambili ng palay sa mga magsasaka.

 

Ayon kay Villar, inilipat nila ito sa Department of Agriculture para ilagak sa Land Bank of the Philippines.


 

Sabi ni Villar, gagamitin yun para bigyan ng 5-libong pisong cash ang may 600-libong magsasaka ng palay na wala pang isang ektarya ang sakahan.

 

Diin ni Villar, ito ay magsisilbing tulong sa mga magsasaka na naapektuhan ng pagbaha ng imported na bigas dahil sa implementasyon ng Rice Traffication Law.

Facebook Comments