3 bilyong piso inilaan para sa Universal Health Care program ayon sa PCSO

Inihayag ni PCSO GM Royina Garma na 3 bilyong piso pondo ang nakalaan para sa Universal Health Care program ni pangulong Rodrigo Duterte upang mabigyan ng tulong nag mga mahihirap na mga Pilipino na hindi kayang tugunan ang kanilang pangangailangang pangkalusugan.

Sa ginanap na Presscon sa tanggapan ng PCSO sinabi ni GM Garma na,tuloy tuloy  pa rin ang assisstant ang ginagawa ng PCSO sa lahat ng mga nangangIlangan ng tulong ng pamahalaan.

Paliwanag ni Garma na noon ay buo ang pondo ng PCSO pero sa ngayon ay nahati na umano ang kanilang pondo  dahil na rin  itoy  napupunta sa Universal Health Care program ng pamahalaan kaya mina manage nila ng maayos ang mga  pondo upang makatugon ng pangangailangan ng mga mahihirap na mga Pilipino.


Umapila si Garma publiko na intindihin sila dahil lumiit ang pondo para sa mga Charity na kinakaltasan ng buwis bagamat tumataas ang income ng PCSO pero lumiit naman ang pondo para sa mga Charity.

Facebook Comments