Iprinisinta kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gambo ngayong umaga sa Camp Crame ang mahigit 3 bilyong pisong halaga ng bagong kagamitan ng PNP.
Ang mga bagong kagamitan ay ang dalawang single engine helicopter para sa Special Action Force na nagkakahalaga ng 225 milyong piso bawat isa.
Kabilang din sa modernong gamit ang 3 EOD remote-controlled Robot units na nagkakahalaga ng halos 18 milyong piso bawat isa.
Mayroon ding karagdagang 35 libong samu’t-saring assault rifles at pistols, mahigit 1.5 milyong bala at mahigit 20 libong ballistic vests, helmets at eyewear ang PNP.
Sa mensahe sinabi ni PNP Chief na ang bagong kagamitan ay malaking tulong para mapaangat pa ang operational readiness ng PNP sa kampanya kontra kriminalidad, terrorismo at droga.