NCRPO, kinilala ang kagitingan ng ilang police women kasabay sa pag-diriwang ng Women’s Month

Pinarangalang ang ilang mga babaeng police ng National Capital Region Police Office o NCRPO, para sa pagkilala ng kanilang kagalingan at katapangan sa pagpaptupad ng batas.

Ito ay alinsunod sa kick-off celebration ng NCRPO sa 2020 Women’s Month ngayong buwan.

Kabilang sa mga pinarangalan ay sina Police Corporal Arlen Q. Piayas ng Malabaon City Police Station at Pat Janet Cuison ng Taguig City Police Station na nakatangap ng medalya ng Kagalingan Award.


Medalya ng Kasanayan naman ang natanggap nina Police Lieutenant Colonel Lerma Tirana, Police Lieutenant Colonel Ma. Socorro Marasigan, Police Major Cahnda A. Amonte, Police Captain Elea Bartolome, Police Captain Joy Datul, Police Lieutenant Josephine Angawa at National Unity Party (NUP) Maria Lourdes Castrillano.

Ginawaran naman ng Mealya ng papuri si Police Corporal Maria Elena DP Dangiwan, Special Award naman kay Atty. Rose Celine Europa at Felinda Bote.

Bets Practices Award naman ang nakuha nina Police Major Britz Estadilla bilang Chief PIO ng NCRPO; Police Staff Seargeant Richard Liwanag at Police Lieutenant Colonel Ruby Grace Diangson.

Hinirang naman na Best Operating Unit ng NCRPO para sa Buwan ng February 2020 ang Regional Mobile Force Battalion NCRPO.

Ang tema ng nasabing pagdiriwang ay “We Make Change Work for Women”

Facebook Comments