3 Cafgu dinukot ng NPA sa Surigao del Sur

Tatlong miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang iniulat na magkasunod na dinukot ng mga rebeldeng NPA sa Purok 6 at Purok 8 sa bayan ng San Miguel, Surigao del Sur umaga ng Sabado, Hulyo 8.

Kinilala ni Col. Franco Nemesio Gacal, 402nd Brigade Commander ng Phil. Army ang tatlong cafgu na sina CAA Jerry Quillano, 40 taong gulang; CAA Mama Abao, 24; at CAA Aljhun MiΓ±ano, 19 taong gulang.

Ang tatlo ang kapwa nakatalaga sa Military Detachment ng 36th Infantry Battalion Phil. Army sa Barangay Bitaugan at sinasabing β€œoff duty” ang mga ito ng dukutin ng mga kasapi ng Guerilla Front Committee 19 ng NPA.


tags; RMN Network, DXBC 693, Straight to the Point, Sasie Babar, CAFGU, Phil. Army

Facebook Comments