Ligtas na sa kontaminasyon ng red tide toxins ang tatlong coastal waters ng Palawan at Samar.
Base sa laboratory results ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nagnegatibo na sa paralytic shellfish poison ang mga sinuri na samples mula sa coastal waters ng inner Malampaya Sound sa Taytay, Palawan, Matarinao Bay sa Eastern Samar at San Pedro Bay sa Western Samar.
Pero nanatili pa ring may red tide sa karagatan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal sa Bataan; Honda Bay at Puerto Princesa City sa Palawan; coastal waters ng Milagros sa Masbate; Sorsogon Bay sa Sorsogon.
Gayundin ang coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; coastal waters ng Daram Island, Zumarraga, Cambatutay, Irong-irong, Maqueda at Villareal Bays sa Western Samar.
Kasama pa rin ang coastal waters ng Calubian, Leyte, Cancabato Bay, Tacloban City, at Carigara Bay sa Leyte; Biliran Islands; coastal waters ng Guiuan sa Eastern Samar; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; Lianga Bay at coastal waters ng Hinatuan sa Surigao del Sur; at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.
Paalala ng BFAR, iwasan muna ang pagkain ng shellfish sa mga apektadong karagatan dahil hindi pa ito ligtas sa human consumption.