Pansamantalang isinara ang buong Legislative building ng Quezon City.
Ito ay base na rin sa rekomendasyon ng QC Epidemiology and Surveillance Unit matapos na magpositibo sa COVID-19 ang tatlong konsehal at ilang mga staff ng nasabing gusali.
Ayon kay Vice Mayor Gian Sotto, limang araw na isasara ang Legislative building mula July 15 hanggang 19 para makapagsagawa ng disinfection at contact tracing sa mga nakahalubilo ng mga nagpositibo indibidwal.
Facebook Comments