3 COVID-19 Patients sa CVMC, Nakalabas na; 12 Nananatili pa rin sa Ospital

Cauayan City, Isabela- Nasa labing dalawa (12) na lamang ang nananatili sa isolation facility ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City matapos na magnegatibo sa ikalawang swab test ang tatlong (3) COVID-19 patients na pawang mga taga Baggao, Cagayan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Glenn Baggao, pinuno ng Cagayan Valley Medical Center, ang natitirang 12 na COVID-19 positive ay hinihintay na lamang ang resulta ng kanilang ikalawang swab test.

Ayon kay Dr. Baggao, isa (1) sa natitirang 12 ay symptomatic o nakitaan ng sintomas ng COVID-19 habang ang 11 ay pawang mga asymptomatic.


Sakaling magnegatibo sa ikalawang swab test ang natitirang 12 na pasyente ay ididischarged na rin ang mga ito sa ospital.

Dagdag pa ni Dr. Baggao, nasa labing dalawa (12) rin ang binabantayang suspected cases na nananatili ngayon sa CVMC at hinihintay na rin ang resulta ng kanilang swab test.

Bagamat nagpapatuloy aniya ang pagkakaroon ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon dos ay hindi pa rin aniya titigil ang kanilang pagbibigay serbisyong medikal para sa mamamayan.

Muli naman itong nagpaaala sa publiko na sumunod pa rin sa mga protocol at safety measures upang makaiwas sa nakamamatay na sakit.

Facebook Comments