3-day National Vaccination Drive, malaking tulong sa layuning matuldukan ang pandemya

Nanawagan si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa mamamayan na makilahok at magpabakuna sa tatlong araw na National Vaccination Day na nagsimula kahapon at tatagal hanggang bukas.

Giit ni Pangilinan, matatapos ang pandemya kung tayo ay makikinig sa mga eksperto at magpapabakuna upang protektahan sarili at pamilya.

Diin ni Pangilinan, ang pagpapabakuna ay proteksyon kontra COVID-19 para sa ating sarili, mga mahal sa buhay at kapwa.


Payo ni Pangilinan sa lahat, alisin ang agam-agam sa bakuna dahil naririyan ang ating mga doktor, nurse, at iba pang health workers sa vaccination centers para pangalagaan tayo sa araw ng pagbabakuna.

Dagdag pa ni Pangilinan, mayroong bagong variant na Omicron kaya dapat nating ipagpatuloy ang pagsusuot ng face mask, pagsasagawa ng physical distancing at hangga’t maaari ay huwag munang lumabas at pumunta sa matataong lugar.

Facebook Comments