Isinulong ni House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto na magkaroon ng tatlong araw na “paid leave” ang mga empleyadong magulang para makadalo sa mga aktibidad sa paaralan ng kanilang mga anak.
Nakapaloob ito sa inihain ni Recto na House Bill 6966 o panukalang “School Visitation Rights Act” na layuning mapalakas ang “parental involvement” sa sistema ng edukasyon sa ating bansa.
Paliwanag ni Recto, may mga kawaning magulang o legal guardians na hindi basta-bastang makaliban sa trabaho kaya hindi makapunta sa paaralan at mga aktibidad ng mga bata.
Base sa panukala, oobligahin ang mga empleyadong magulang o guardian na magsumite ng “documentation” o katibayan ng pagpunta sa eskwelahan ng anak o bata.
Facebook Comments