Dalian trains, hindi pa nagagamit sa revenue operation ayon kay MRT-3 General Manager Canar

Nilinaw ni Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) General Manager Engr. Federico Canar Jr., na hindi pa nagagamit ang Dalian trains ng MRT-3 sa kanilang revenue operation sa kasalukuyan.

Ito’y dahil hindi pa nakasama ang mga ito sa maintenance at operation sa kasalukuyang kontrata sa maintenance provider ng rail line.

Ayon kay Canar, isa sa mga tinatrabaho ngayon ng MRT-3 ay ang maisapaloob sa kontrata ng maintenance provider ang operation at maintenance ng Dalian trains upang magamit na ang mga ito.


Ginawa ni Canar ang pahayag upang matuldukan na ang anumang mga maling pahayag na may kinalaman sa Dalian trains sa mga darating na araw.

Ang mga Dalian train ay ang mga train na binili ng administrasyon ni yumaong dating Pangulong Noynoy Aquino.

Facebook Comments