3 dayuhan na pinaghahanap ng mga otoridad dahil sa kasong kriminal, nadakip ng Bureau of Immigration

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong dayuhan na tumakas sa mga kasong kinakaharap sa kanilang bansa.

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga suspek na sina Kim Jisoo, 31; Park Seunghoon, 37; at Kwon Yoseob, 33, ang tatlo ay pawang South Korean.

Paliwanag ni Morente na ang mga suspek ay nadakip ng BI Fugitive Search Unit o FSU sa Clark Freeport sa Angeles City, Pampanga at sila ay wanted sa kanilang bansa dahil sa cybercrimes o pag-o-operate ng illegal gambling site sa internet.


Dagdag pa ni Morente na dinakip ang tatlong dayuhan matapos na itimbre ng mga otoridad ng South Korea na nasa Pilipinas ang mga suspek.

Ang mga suspek ay nagsabwatan sa pagtatayo ng online exchange server na “chong-al-money” kung saan ginagawa nila ang gambling activities.

Ang tatlong suspek ay nakakulong sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig kung saan hinihintay nila ang deportation.

Facebook Comments