3 delivery doy hinuli dahil sa pagtangay ng Dressed Chicken sa Marikina City

19

Arestado ang tatlong delivery boy na nahuli sa aktong nagpupuslit ng dalawang crates ng dressed chicken na kanilang idiniliber sa isang Supermarket sa Sto Niño, Marikina City.

Kinilala ni Marikina City Chief of Police, P/Col. Restituto Arcangel ang mga suspek na sina John Lester Calderon, 22-anyos delivery truck helper, ng 20 Tenero, Pulilan, Bulacan;  Jhames Dee Petalver, , 22,  delivery truck driver, ng Pulong Tamo St., San Ildefonso, Bulacan; at  Ralph Diasanta,  17, delivery truck helper, ng 110 Tenero St., Pulilan, Bulacan.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagdeliber ng 35 crate ng dressed chicken sa Savemore Supermarket ang tatlong suspek ngunit sa kanilang pag-alis ay tinangay ang dalawang crate na naglalaman ng 30 piraso ng dressed chicken.

Nakita sa CCTV ang ginawa ng tatlo kaya bago pa man sila makaalis ay pinadampot na sila sa pulis ng mga nangangasiwa sa Supermarket.

Facebook Comments