Mga pulis na naka-deploy sa taal, nagkakasakit narin

33

Inamin ni PNP Chief P/General Archie Francisco Gamboa na nagkakasakit narin ang mga pulis na nakadeploy sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Pero aniya mga “minor” lang at hindi grabeng sakit ang nararanasan ng mga pulis.


Ito aniya ang dahilan kaya nagpapalitan ng deployment ang mga pulis sa lugar upang hindi masyadong nakababad ang mga pulis sa mga danger zone.

Ayon kay Gamboa ang mga pulis ng PRO-Calabarzon ang pangunahing nakatutok sa mga operasyon sa lugar at humahalili sa kanila ang mga miyembro ng reserve Force galing sa Maynila.

Matatandaang ipinadala sa Calabarzon mula sa Camp Crame nitong Biyernes ang 1000 pulis na kalahati ng 2,000 Reactionary Standby Support Force (RSSF) para palitan ang kalahati ng mga pulis ng Calabarzon na  gumagawa ng relief at evacuation Operations.

Sinabi ni Gamboa 3 hanggang 4 na araw ang shifting ng mga reserve forces, para mapanatiling laging malakas ang pangangatawan ng mga pulis na naka-Duty sa Taal.

Facebook Comments