3  drug suspek nakuhaan ng 258K halaga ng  shabu sa Caloocan

70

Arestado ang dalawang drug suspek matapos na makuhaan ng plastic sachet ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng Caloocan City Police Station sa Dagat-Dagatan Caloocan City.


Kinilala ang tatlong drug suspek na sina Ann Margaret 33 anyos, Lora Quimado 27 anyos, at Alexander Gabriel 39 anyos kapwa residente ng Barangay Sto. Tomas Street May Pajo Caloocan City.

Sa operasyon nakuha sa mga suspek ang tatlong maliit na sachet at 2 medium plastic sachet na may lamang shabu na may standard drug price na 258, 400 pesos at 500 pesos buy bust money.

Nahaharap na ngayon ang mga suspek sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Facebook Comments